Todo pasalamat si dating Senator Jinggoy Estrada sa mga nagpaabot nang pagdarasal sa kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada makaraang magnegatibo na ito sa COVID-19.
Sa kanyang anunsiyo sa social media, sinabi ni Jinggoy na masaya sila sa dahil sa nagtuloy na pagganda ng kalusugan ni Erap.
Dahil dito inaasahan daw nila na maililipat na rin sa regular room ang dating pangulo matapos ang repeat RT-PCR test.
Sa ngayon nasa high flow pa raw sa oxygen sa Estrada pero nababawasan na.
Gayundin, bumalik na rin daw sa sof diet ang dati ring naging Manila mayor.
“We are happy to announce that my dad continues to improve and we expect that he can be transferred to a regular room soon,” ani Jinggoy sa Facebook post. “His repeat RT-PCR is now NEGATIVE!”
Kung maaalala una nang isinugod si Erap noong March 29 matapos magpositibo sa coronavirus.