Nahihiwagaan pa rin daw si Manila Mayor Joseph Estrada kung paano nanalo sa mayoralty race ang katunggali niyang si Francisco “Isko Moreno†Domagoso.
Hindi raw niya maintindihan maintindihan ito sapagkat sa lahat aniya ng mga isinagawang survey ay siya naman ang palaging nangunguna at hindi ang kanyang katunggali sa posisyon.
Kaya naman hindi raw siya magko-concede kahit pa ilang daang libo na ang lamang ni Domagoso sa kanya.
Para sa dating pangulo, trinabaho siya kaya siya natalo.
Samantala, masakit din daw sa kanya na matalo rin ang ilan pa sa kanilang miyembro ng pamilya sa posisyon na kanilang tinakbuhan.
Hirap din kasi ngayon sa nagpapatuloy na bilangan ang kanyang mga anak na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada na makapasok sa “Magic 12” senators.
Maging ang kanyang apo kay Jinggoy na si Janella Estrada ay bigo ring manalo bilang alkalde ng San Juan City.