-- Advertisements --

Humingi ng ikalawang pagkakataon sa kaniyang anak at mga fans si Eraserheads guitarist Marcus Adoro.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mensahe para sa kaniyang anak na si Syd Hartha at dating kinakasama na si Barbara Ruaro.

Ibinunyag kasi noong 2019 na siya ay sinasaktan ng ama.

Sa mensahe ni Adoro na mahigit isang taon na itong walang contact sa anak.

Kaya ang gumawa na ito ng paraan at ipinarating sa manager ng anak.

Magugunitang lumabas ang nasabing pananakit ni Adoro dahil sa nalalapit ng reunion concert ng banda sa Disyembre kung saan nanawagan ang mga fans ng banda na huwag isama si Adoro dahil sa ginawa nitong pananakit.

May kondisyon na inilabas ang kanilang frontman na si Ely Buendia na maisasama lamang si Adoro kapag maresolba na nito ang kaniyang kaso.