-- Advertisements --

Inilabas na ng 90’s Filipino band na Eraserheads ang kanilang reunion concert.

Sa kanilang social media ay nagpost ang bawat miyembro ng poster ng kanilang concert na pinamagatang “Huling El Bimbo” na gaganapin sa Disyembre 22, 2022 sa lungsod ng Paranaque.

Hindi pa binanggit kung magkano ang magiging presyo ng bawat ticket ng kanilang concert.

Nauna rito nitong Sabado ay nagpahiwatig ang miyembro ng banda ng pagkakaroon ng concert matapos na magpost ang mga ito sa kanilang social media ng logo ng banda na letrang “E”.

Sumikat ang banda noong dekada 90 sa mga kanta gaya ng “Ligaya”, “Ang Huling El Bimbo”, “Magasin” at maraming iba pa.

Binubuo nina Ely Buendia sa guitar at vocals, Buddy Zabala sa bass guitar, Marcus Adoro sa lead guitar at Raimund Marasigan sa drums.