-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ng UP Gawad Oblation ang miyembro ng bandang Eraserheads.

Dumalo at personal na tinanggap nina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro ang pagkilala dahil sa kontribusyon nila sa larangan ng musika sa bansa ganun din sa nasabing unibersidad.

Ang banda kasi ay dating estudyante ng nasabing unibersidad.

Sinabi ni University of the Philippines System President Atty. Angelo Jimenez na ang nasabing pagkilala ay kanilang inilunsad pa noong 2017.

Ito ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng kanilang unibersidad sa mga mag-aaral nila na gumagawa ng pangalan sa bansa.

Nagpasalamat ang grupo sa nasabing pagkilala at hinikayat ang lahat na ipursige ang kanilang hilig sa musika.