-- Advertisements --

Pinaghahanda ngayon ng Energy Regulatory Commission ang publiko dahil sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Kung maaalala, ipinag-utos ni PBBM ang agarang pagsuspinde sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market.

Layon ng hakbang na ito ng pangulo na mapigilan ang pagtaas ng kuryente dahil sa manipis na suplay nito.

Ang pagsuspinde sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market ay gagawin naman tuwing isinasailalim ang Luzon at Visayas Grid sa Red Alert.

Sa isang panayam online, sinabi ni ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta na magiging dahilan naman ito para sa pagtaas ng Generation at Transmission Charge na kadalasang ipinapataw ng Power Generators kabilang na rito ang mga Independent Power Producers.

Sa ngayon ay hindi naman malinaw kung magkano ang aabutin ng nasabing posibleng taas presyo nito.

Nilinaw naman ng ERC na pwede pang kumuha ng kuryente sa WESM ang mga Power Distributors sa bansa.

Tuwing itataas naman sa Red Alert ay saka lamang ipatutupad ang itinakdang presyo nito batay sa kautusan ng Pangulo.