-- Advertisements --
Natanggap na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspension order ng Ombudsman laban kay ERC chairperson at chief executive officer Monalisa Dimalanta.
Ang anim na buwan na preventive suspensiyon ay isinilbi ng Office of the President.
Nagbunsod ang kaso sa reklamo ni National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc (NASECORE) president Pete Ilagan.
Ilan sa mga laman ng reklamo ay ang pagbalewala ni Dimalanta ng mga motions at ang isa ay ang pagbili ng Meralco ng wholesale electricity spot market.
Ang nasabing mga alegasyon ay una ng mariing pinabulaanan ni Dimalanta.