-- Advertisements --

Hinimok ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang Energy Regulatory Commission (ECC) na pag aralan kung paano mairerefund sa mga consumer ang nasa P21 billion na siningil ng NGCP mula 2011.

Ang naturang halaga ay bunsod ng pagpapasa o pass-on ng NGCP sa mga customer nang binabayarang 3% franchise tax.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, pinag-uusapan pa ng komisyon kung may posibilidad nga ba na mai-refund ang naturang halaga dahil mayroong inilabas na resolusyon ang dating pamunuan ng ERC na nagpapahintulot sa pass-on charges noong 2011.

Sa ngayon ang kanilang naging hakbang ay ang pag-suspindi sa pass-on charges na naging epektibo noong 2023.

Hirit naman ni Salceda, mayroon nang desisyon ang Korte Suprema noon na nagbabawal sa pagpasa ng mga public utilities ng kanilang binabayarang buwis bilang operating expenses.