-- Advertisements --

Welcome para sa pamunuan ng Energy Regulatory Commission ang muling pagbabalik ni Atty. Monalisa Dimalanta bilang Chairperson ng ahensya.

Kung maaalala, inalis ng Office of the Ombudsman ang ipinataw na suspension order laban kay Dimalanta.

Kinumpirma ng ERC na natanggap na nila ang naturang kautusan sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kung saan nakasaad dito ang muling pagtatalaga kay Dimalanta bilang Chairperson.

Pinasalamatan naman ng ahensya si Jesse Andres na nagsilbing OIC sa maikling panahon dahil sa pagkakasuspinde ni Dimalanta.

Tiniyak naman ni Dimalanta na kanyang ipagpapatuloy ang mga programang naiwan nito at tutuparin rin ng opisyal ang kanilang mandato bilang energy regulator ng Pilipinas.