Nangako ang Energy Regulatory Commission (ERC) na mag-iisyu ng show cause order sa mga power producers dahil sa magkakasunod na brownout at pagnipis ng supply ng koryente.
Ayon sa ERC, malinaw sa kontrata na may limitasyon lamang ang pagpapatupad ng forced shutdown ng mga planta.
Dapat din daw mai-report ang mga nakaambang problema, bago pa ito humantong sa power outage.
Matatandaang nagisa ang mga opisyal ng ERC, Department of Energy at independent power producers sa pagdinig ng Senate committee on energy nitong nakalipas na Huwebes.
Sa naturang hearing, naglabas ng pagkadismaya si Senate energy committee chairman Sen. Sherwin Gatchalian dahil sa madalas na problema sa koryente sa kabila ng mga pahayag ng DoE na maayos ang status at walang inaasahang problema ngayong panahon ng tag-init.