Pinatawan ng P15.8 million multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa “unjustified delays” sa 34 out of 37 delayed projects.
Ito ang kinumpirma ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa pagdinig ngayong araw ng House Committee on Legislative Franchises ngayong araw.
Sinabi ni Dimalanta sa kanilang imbestigasyon pinagpaliwanag nila ang NGCP.
Paliwanag ni Dimalanta, ang nasabing multa ay naka base sa schedule of penalties na itinakda ng ERC.
Pinatawan ng nasa P100,000 penalty bawat paglabag at pagkatapos ay sinundan ito ng P500,000 dahilan nagkaroon ng graduation of penalties.
Nagpahayag naman ng pag aalala si Parañaque City Rep. Gus Tambunting, chair ng House Committee on Legislative Franchises, sa kakulangan ng parusa kumpara sa epekto sa ekonomiya ng mga pagkaantala.
Bagamat binayaran ng NGCP ang nasabing multa, ibinunyag ni Dimalanta na ilan sa mga payments ay under protest dahil plano ng kumpanya na mag explore pa ng legal remedies.
Dinepensa naman ni NGCP Assistant Vice President and Head of Public Relations Atty. Leonor Felipa Cynthia Alabanza ang naging aksiyon ng kanilang kumpanya.
Sa pananaw kasi ng mga kritiko ang delay sa mga critical infrastructure projects ay mayruong malaking epekto sa energy security at economic stability ng bansa.
Ang mga naging findings ng ERC ay inaasahang maging gabay sa patuloy na pagsisikap ng batas upang palakasin ang pangangasiwa sa mga operasyon ng NGCP at matiyak ang napapanahong paghahatid ng mga proyekto sa imprastraktura ng enerhiya.