Inilabas na ng Energy Regulatory Commission ang bagong panuntunan sa pagpapatupad ng paniningil at distribusyon ng Green Energy Auction Allowance Fund.
Ayon sa komisyon , nakapaloob sa Renewable Energy Payment Agreement ang supply ng na nanggagaling sa renewable energy katulad na lamang ng solar, hydro, wind at maging ang geothermal.
Ginawa ng ERC ang naturang guidelines matapos ang kanilang isinagawang serye ng konsultasyon sa buong bansa .
Layon ng naging hakbang na ito na siguruhing patas ang magiging singil ng Green Energy Auction suppliers sa lahat ng mga on-grid consumers nito.
Magkaiba naman aniya ang mga panuntunan ng GEA-All Fund sa Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Fund.
Bagamat tiniyak ng ahensya na kanilang sinusuporta ang renewable energy sa bansa.