-- Advertisements --
Plano ngayon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na palawigin ang ‘no-disconnection policy’ hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ay dahil sa karamihan sa mga consumers ay hindi pa ring nakakabangon dulot ng coronavirus pandemic.
Sinabi ni ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera, na mayroon na silang inaayos na kasulatan na ipapasa sa mga electric companies.
Mula pa noon aniya ay isinusulong na niya ang pagpapalawig ng mga disconnection policies dahil sa pandemya.
Pinayuhan din nito ang mga consumers na may kakayahan na magbayad ay huwag ng iantala ang kanilang pagbabayad para bilang tulong na rin sa mga electric companies.