Tiniyak ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang normal na operasyon sa kabila ng tuluyang pagkakasuspinde ni Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ayon sa ERC, magpapatuloy ang lahat ng serbisyo at programa nito sa mga kliyente sa kabila ng pagpapalit ng liderato.
Una nang sinabi ng kampo ni Dimalanta na binakante na nito ang posisyon matapos matanggap ang impormasyon ukol suspension order mula sa Office of the Ombudsman.
Agad umanong tumalima si Dimalanta kahit noong hindi pa nito opisyal na natanggap ang kopya ng desisyon.
Ang preventive suspension laban kay Dimalanta ay kasunod na rin ng ilang administrative charge na inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc.
Sa kasalukuyan ay wala pang pinapangalanan ang Office of the President na papalit kay Dimalanta.