-- Advertisements --
TRUMP ERDOGAN
Trump and Erdogan

Ibinasura lamang ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang patuloy na pakiusap ng estados Unidos na magdeklara muna ng ceasefire sa northern Syria.

Nanindigan si Erdogan na hindi siya nababahala kahit pinatawan pa ang kanyang bansa ng sanction.

Gayundin ang pakikialam na rin ng Russia upang suportahan ang Syrian forces sa ilang bahagi ng border sa Turkey.

Iginiit ni Erdogan, kailanman ay hindi siyang magdedeklara ng tigil putukan at makipag-usap sa mga teroristang grupo.

Bukas inaasahang darating sa Ankara, Turkey ang mga ipinadala ni US President Donald Trump na high level delegation na kinabibilangan nina Vice President Mike Pence, Secretary of State Mike Pompeo at national security adviser Robert O’Brien upang pakiusapan pa rin ang Tukey na itigil na ang military operation sa bahagi ng Syria.