-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Milwaukee Bucks guard Eric Bledsoe.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bledsoe na kinapitan ito ng virus kahit na wala itong naramdamang anumang sintomas.
“Once I meet the NBA protocols, I look forward to joining my teammates in Orlando,” wika ni Bledsoe.
Nagtala ng average na 15.4 points, 4.6 rebounds, at 5.4 assists si Bledsoe ngayong season.
Noong nakaraang linggo nang dumating sa Orlando ang Bucks at nakatakda namang sumabak sa isang 5-on-5 practice kasama ang San Antonio Spurs sa Hulyo 23 (local time).