-- Advertisements --
Nagkamit ng gold medal si Filipino-American sprinter Eric Cray.
Nakuha nito ang medalya sa 400-meter hurdles sa Duval County Challenge sa Jacksonville University sa Florida.
Naitala nito ang 50.48 seconds na malapit na sa Olympic qualifying mark na 48,90 seconds.
Mayroon pa ito ng hanggang Hunyo 29 para malampasan ang Olympic standard time at pormal ng makapasok sa Tokyo Olympics sa ikatlong pagkakataon.
Samantala nabigo naman si Kristina Knott sa parehas na torneo kung aan mayroong 11.50 seconds ito ng oras sa women’s 100-meter run na nagdala sa kaniya sa ika-15 puwesto.