-- Advertisements --

Napipikon na umano ang aktor na si Eric Fructuoso dahil sa sandamakmak na mga indecent proposal at nude photos na ipinadadala ng mga kababaihan sa kanyang social media accounts.

Sa isang panayam, sinabi ni Fructuoso na hindi na raw ito natutuwa sa mga babaeng pilit na kinukuha ang kanyang atensyon.

“Mga iha, uulitin ko… magandang lahi, kaya ko ibigay… pero magandang buhay? ‘Tay tayo jan girl. Don’t me,” wika ng 43-year-old actor.

Ayon pa kay Fructuoso, ayaw niya raw gumawa ng kalokohan lalo pa’t naniniwala ito sa konsepto ng karma.

“I admire their aggressiveness and assertiveness. What they want to get, they want to get.

“Pero siyempre, pagdating sa ganoon, if ever na ibibigay ko yung thought na puwedeng pumatol, unang-una, nakakatakot ang mga sakit.

“Pangalawa, baka tarantaduhin lang ako. Babaligtarin ako, blackmail and everything, kung halimbawang pumatol ako.

“Saka may 15-year-old daughter ako. ‘Yan ang number one wake up call,” ani Fructuoso.

Bunsod nito, natuto na raw si Eric na i-block ang followers niya na may indecent proposal at bilang proteksyon na rin umano sa sarili.

“Isa pa, hindi ako easy to get. Alam naman natin ang value natin, kahit papaano,” ani Eric.