-- Advertisements --

Pinabulaanan ng aktor na si Eric Fructuoso na namamasada ito ng tricycle ngayong may pandemya.

Reaksyon ito ni Fructuoso matapos kumalat ang kanyang larawan sa social media kung saan makikita na nagmamaneho ito ng isang pampasadang traysikel.

“Hindi po totoong namamasada ako ng trike sa Naic, Cavite… Dine ako sa Lipa, Batangas namamasada mas malaki ang kita! Akalain mong p200 ispesyal hanggang Rowbeensons?” saad ni Fructuoso sa kanyang Facebook post.

Eric Fructuoso post

Kasabay nito, sinabi ng aktor na hindi dapat minamaliit ang mga tricycle drivers.

Kuwento niya: “May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag garage sale ako dati e yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumile ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko.

“Kaya nga ‘barya lang sa umaga’ dahil buo buo pera nila.”

Ayon pa sa 44-year-old actor, gusto raw niyang iparating ang mensahe na hindi kailangang ikahiya ang anumang trabaho basta’t marangal ngayong may kinakaharap ang bansa na health crisis.

“Sa panahon kasi ngayon, hindi ka pwedeng maarte. Hindi pwedeng kaartehan ang pairalin.

“Basta pagkakakitaan legal, para sa pamilya, tirahin lang nang tirahin.”