Itinalaga ni PBBM bilang bagong Acting General Manager and Member of the Board of Directors ng Manila International Airport Authority si Eric Jose Castro Ines.
Sa isang transmittal letter na naka-address kay Transportation Secretary Jaime Bautista at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Disyembre 15, nakasaad na si Ines ang papalit kay dating MIAA chief Cesar Chiong na dinismissed ng office of the ombudsman dahil sa kasong grave misconduct at abuse of authority or oppression.
Si Ines ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa University of the Philippines. Natapos rin siya sa kursong Airport and Airline Management and Aviation Security sa Bailbrook College, School of Aviation sa United Kingdom.
Nagsilbi rin si Ines bilang Senior Executive Assistant to the Secretary of the Department of Local Government and Community Development (DLGCD) mula Abril 1, 1973 hanggang Marso 31, 1986.
Samantala, sa ibang balita naman binigyang diin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi nila papalagpasin ang driver sa NAIA na naningil ng 10,000 sa mga turistang Taiwanese.
Ayon kay LTFRB spokesperson Celine Pialago, maglalabas sila ng show cause order sa oras na matukoy ang pagkakaklanlan ng taxi driver.
Muling nanawagan ang MIAA at LTFRB sa mga pasahero sa paliparan na gumamit lang ng accredited transport ng Ninoy Aquino International Airport.
Tatlo lang ang accredited taxi ng paliparan ang Regular taxi (white) P45, ang Airport taxi naman (yellow) P75 habang ang Coupon taxi (depende sa destinasyon).
kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Celine Pialago, tagapagsalita ng Land transportation franchising and regulatory board
Sa ngayon nakakapagtala na ang MIAA ng nasa 240,000 na bilang ng pasahero sa naia kada araw at kaamihan dito ay domestic flights.