-- Advertisements --

Tumugon si Cong. Edgar Erice sa inihain na disqualification case ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa pagtakbo niya para sa Eleksyon 2025.

Ayon kay Cong. Erice, magfa-file siya ng Motion for Reconsideration sa COMELEC En Banc sa Lunes, Disyembre 2.

Aniya, ang dahilan ng komisyon sa pagdi-disqualify sa kanya ay dahil umano sa pagkairita sa kanyang pagpupursige na ipakita sa publiko ang katiwalian na nangyayari sa paghahanda ng komisyon para sa halalan sa susunod na taon.

Dagdag pa ng kongresista, hindi niya sinisira ang mangyayaring halalan sa halip ay binubuwag niya ang korapsyon ng COMELEC dahil sa ugnayan nito sa Miru Systems.

Matatandaan na naglabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng disqualification case laban sa kanya dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon patungkol ugnayan ng poll body sa Miru Systems para sa halalan.