-- Advertisements --

Mistulang “waiting game” muli sa fans ni Erich Gonzales para sa kumpirmasyon ng aktres kung ikinasal na nga ba siya sa longtime non-showbiz boyfriend.

Erich weds 2

Nitong hapon kasi nang mai-post ng kamag-anak ng groom na si Andres de Leon Lorenzo sa kanyang Instagram Story ang larawan ng kasal ng 31-year-old actress kay Mateo Lorenzo, bagama’t walang caption at kaagad ding binura.

At tulad sa naisapubliko noong nakaraang buwan na wedding banns o papel na anunsiyo ng simbahan, tugma ang wedding venue sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.

Kulay black and white ang nasabing larawan pero malinaw na nakasuot ng Barong Tagalog si Mateo katabi ang kanyang bride sa harapan ng altar.

Taong 2018 nang ihayag ni Erich o Erika Chryselle sa tunay na buhay na siya ay “single but not available.”

Sa sumunod na taon naman nang aminin niyang poprotektahan niya ang bagay na aniya’y “something so precious and beautiful.”

Sinasabing negosyante at anak ng presidente ng isang tanyag na food franchises ang napang-asawa ng dating girlfriend ni Daniel Matsunaga.

Mayroon din umanong sugar-milling business ang pamilya ni Mateo.