Napili bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager.
Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season.
Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion na si Steve Kerr ng Golden State Warriors.
Sinundan naman ito nina Gregg Popovich ng San Antonio Spurs at Monty Williams ng Phoenix Suns.
Pumang-lima naman sa puwesto sa survey si Los Angeles Clippers coah Tyronne Lue.
Bagamat, sa tatlong taong sunod-sunod na napili bilang head coach si Spoelstra, hindi pa ito nagagawaran bilang NBA’s Coach of the Year.
Ito ay sa kabila na nabigyan na niya ng kampeonato ang team ng dalawang beses at nitong lamang nakaraang season ay muntik na silang umabot sa NBA Finals.
Narito pa ang coaching-based results GM survey:
Best Motivator of People: Kerr
Best In-Game Adjustments: Lue
Best Offense: Kerr
Best Defense: Spoelstra
New Coach Who Will Make Biggest Impact: Darvin Ham (Los Angeles Lakers)
Best Assistant Coach: tie between Kenny Atkinson (Golden State Warriors) and Charles Lee (Milwaukee Bucks)
Active Player Who Will Become Best Coach: Chris Paul (Phoenix Suns)
(with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)