-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang piloto ng isang spray plane matapus bumagsak ang minamanehong eroplano sa bayan ng Carmen, Davao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Jessie Kevin Lagapa, 25-anyos, residente ng Block 2, Lot 6, Ibabao Rd., Baywater, Agus, Lapu-Lapu, Cebu.

Sa initial report ng Carmen PNP, minamaneho ni Lagapa ang Aerial Spray plane na pagmamay-ari ng Aerowurkz Corporation, nang mapansin ng mga residente ng Barangay Mangalcal, Carmen, Davao del Norte na gumewang-gewang na ang lipad nito hanggang tumama at sumabit sa linya ng kuryente ng National Power Corporation (Napocor) hangggang sa tuluyang bumagsak sa palayan na pagmamay-ari ni Alodia Omega sa Purok 1, Brgy. Mangalcal, Carmen, Davao del Norte.

Dinala pa sa Carmen District Hospital si Lagapa, ngunit idineklara na umano ito ng mga doktor na dead on arrival.

Batay sa ulat, nagsagawa ng aerial spraying si Lagapa sa isang banana plantation mula sa Barangay Kasilak, Panabo City, ngunit habang nasa himpapawid bigla na lamang umanong gumiwang-gewang ang eroplano at tuluyang bumagsak sa Purok 1, Barangay Mangalcal, Carmen, Davao del Norte alas-6:30 kaninang umaga.

Inihayag ni Police Master Sergeant Adonis Espenzo, imbestigador ng Carmen PNP, nakita na lamang ng mga residente na hindi na maayos ang paglipad ng eroplano hanggang tumama sa linya ng kuryente ng Napocor hanggang sa bumagsak sa isang palayan sa naturang lugar.

Dinala pa sa sa Carmen District Hospital si Lagapa, ngunit idineklara na umno ito ng mga doktor na dead on arrival.

Sa ngayon iniimbestigahan pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng naturang pagbagsak.