-- Advertisements --

Dead on the spot ang dalawang suspek nang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano na puno ng cocaine sa Botija, Queretaro, Mexico.

Nakipaghabulan sa mga otoridad ang mga suspek ngunit naubusan sila ng gasolina dahilan ng aksidente.

Lulan ng nasabing eroplano ang halos 400 kilos (880 pounds) ng cocaine.

Kung maalala sa mga nagdaang buwan, maraming bilang ng mga business jet ang bumagsak o inabandona sa Central America at southern Mexico dahil sa aerial smuggling.