-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Philippine Airforce ang pagkakatanggal ng nose wheel assembly ng isa nilang eroplano.
Ang nasabing PAF C-295 transport aircraft ay maghahatid sana ng mga relief goods ng DSWD sa Batanes.
Nangyari ang pagkakatanggal ng gulong sa runway ng Basco Airport nitong hapon ng Nobyembre 1, 2024.
Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.