-- Advertisements --
Ikinagalit ng Japan ang ginawang pagpasok sa kanilang airspace ng Chinese military intelligence-gathering plane.
Ito ang unang pagkakataon na inakusahan ng Japan ang People’s Liberation Army Air force na lumabag sa kanilang airspace.
Base sa inilabas na mapa ng Japan na ang Y-9 reconnaissance plane ay lumipad sa silangang bahagi ng Danjo island at mabilis na nagtungo sa timog at tumawid sa territorial airspace.
Dahil sa insidente ay nagkumahog ang mga Air Self-Defense Force fighter jets para palayasin ang mga paglusob ng mga Chinese plane.
Pinagpapaliwanag na ng Foreign Ministry ng Japan si Shi Yong, charge d’affairs ng Chinese Embassy sa Tokyo dahil sa pangyayari.