Kinumpiska ng US ang eroplano ni Venezuelan President Nicolas Maduro habang ito ay nasa Dominican Republic.
Ito ay matapos na malaman ng US na ang nasabing eroplano ay binili na napapaloob sa sanctions ng US at ibang mga kriminal na usapin.
Dinala na ng mga opisyal ng US ang nasabing eroplano sa Florida.
Inihahalintulad ang nasabing eroplano bilang Air Force One na ginagamit ng pangulo ng US.
Nais iparating ng US ang mensahe na walang nakakahigit sa batas dahil pinapairal lamang nila ang nakasaad sa batas.
Binili umano ang eroplano sa Florida at iligal na dinala ito sa Venezuela noong Abril 2023 sa pamamagitan ng pagdaan sa Caribbean.
Ang Dassault Falcon 900EX na eroplano ay ginagamit na Maduro at ito ay nasa military base sa Venezuela.
Ayon kay Anthony Salisbury, Special Agent in Charge, Homeland Security Investigations, na nakipag-ugnayan sila Dominican Republic bago kumpiskahin ang eroplano at ipinaalam na nila sa Venezuela ang pangyayari.
Magugunitang hiniling ng US sa Venezuelan government na ilabas ang resulta ng halalan dahil sa kuwestiyonable ang pagkapanalo ni Maduro noong Hulyo 28.
Mula ng magwagi si Maduro ay sinuspendi ng Venezuela ang flight patungo at palabas ng Dominican Republic.
Noong Marso 2020 ay kinasuhan ng US Department of Justice si Maduro at 14 mga dati at kasalukuyang opisyal ng Venezuela ng narco-terrorism, drug trafficking ag corruption.
Naglaan din ang US State Department Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng $15 milyon na reward para sa magtuturo sa kinaroroonan ni Maduro para siya ay maaresto na.