Nasa mabuting kalagayan ang bise-presidente ng Amerika na si Kamala Harris matapos mapilitan na mag-take off ang kaniyang sinasakyang eroplano.
Nakaranas ng technical problem ang eroplano ng bise presidente habang papunta ng Guatemala para sa kaniyang pinakaunang international trip.
Dahil dito napuwersa tuloy ang eroplano ni Harris na bumalik sa Joint Base Andrews sa Maryland.
Sinabi naman ni Kamala na malaking tulong ang kaniyang ginawang pagdarasal sa nangyaring kaunting aberya ng kaniyang biyahe.
Nilinaw naman ng kaniyang tagapagsalita na si Symone Sanders na walang major delay na nangyari sa kaniyang mga itinerary dahil sa nasabing pangyayari.
Napagp-alaman na naka-iskedyul si Harris na bumisita sa Guatemala at Mexico nitong linggo para magbigay ng kaniyang mensahe kaugnay sa pag-asa dulot ng naranasang pandemya. (with reports from Bombo Jane Buna)