-- Advertisements --

Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad sa Alaska ang crews ng maliit na commercial plane na nawawal.

Ang Bering Air Caravan na mayroong siyam na pasahero at isang piloto ay galing sa Unalakleet City patungong Nome City.

May layo ang dalawang lungsod na 235 kilometers sa Norton Sound ng west coast.

Ayon sa mga Nome’s volunteer fire department, na nakatawag pa ang piloto sa Anchorage air traffic control kung saan hinihintay niya na maging malinis ang runway bago lumapag.

Gumamit na ang US Coast Guard ng C-130 plane para mabilis na mahanap ang eroplano.

Ito na ang pinakabagong insidente ng aviation disaster kung saan nitong Enero 30 ay nagbanggaan ang US Army helicopter at isang eroplano na may sakay na 67 katao sa may Washington.