-- Advertisements --

Nakalipad na patungong The Hague, Netherlands ang eroplanong lulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dakong 11:03 nitong gabi ng Martes ay lumipad mula sa Villamor Airbase ang Gulfstream G550 chartered flights.

Dahil sa haba ng biyahe ay mag-stop over muna ang nasabing eroplano sa Dubai, United Arab Emirates para sa refueling at tuluyan itong didiretso sa The Netherlands.

Sinabi ni Atty. Martin Delgra III ang legal counsel ng dating Pnagulo , na kasama ni Duterte sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at nurse na personal assistant nito.

Magugunitang inaresto ang dating Pangulo nitong umaga ng Martes pagdating nito sa bansa mula sa Hong Kong matapos na mailabasang warrant of arrest mula sa International Criminal Court.