Pinangangambahang patay ang lahat ng pasahero ng isang Boeing 737 passenger plane na bumagsak ilang saglit matapos mag-take off sa kabisera ng bansang Indonesia na Jakarta.
Ayon sa mga local officials, hindi na ma-contact ang eroplano ng Sriwijaya Air, na patungo sana sa POntianak sa lalawigan ng West Kalimanta.
Sinasabing sakay sa eroplano ang 62 pasahero at crew na nakalista sa hindi pa kumpirmadong manipesto, kabilang na ang pitong kabataan at tatlong sanggol.
Kadalasang inaabot ng 90 minuto ang flight time sa ibabaw ng Java Sea sa pagitan ng main Java island at Kalimantan, na matatagpuan sa isla ng Borneo.
Batay sa datos mula sa FlightRadar24, naabot ng eroplano ang altitude na halos 11,000 feet bago bumulusok sa 250 feet.
Kalaunan ay nawalan na ito ng contact sa air traffic control.
“Sriwijaya Air flight #SJ182 lost more than 10,000 feet of altitude in less than one minute, about 4 minutes after departure from Jakarta,” saad ng tracking agency.
Sinabi naman ng transport ministry ng Indonesia na kanila nang iniimbestigahan ang insidente.
“A Sriwijaya (Air) plane from Jakarta to Pontianak (on Borneo island) with call sign SJY182 has lost contact,” wika ni ministry spokesman Adita Irawati.
“It last made contact at 2:40 pm (0740 GMT).” (AFP/ BBC)