-- Advertisements --

Kinumpirma ng British government na nakaalis na sa Wuhan, China ang eroplanong may lulan na 83 Briton at 27 foreign nationals ngayong araw.

Umalis sa Wuhan ang naturang civilian aircraft dakong 9:45 ng umaga (0145 GMT).

Nakatakda itong lumapag sa Britanya bandang 1:00 ng hapon (1300 GMT), bago dumireto sa Spain kung saan ang mga bansa na ng European Union citizens ang maglilikas sa mga natitira pang pasahero.

Sinabi ni Britain’s Secretary Dominic Raab na naiintindihan umano nila ang pinagdadaanan ng mga pasahero na nagmamadali nang makauwi. Sinigurado rin nito na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maging maayos ang paglilikas sa mga pasahero.

Una nang hinarangan ng Chinese officials ang dapat sana ay pag-alis ng eroplano noong Huwebes na may sakay na 150 British citizens at 50 non-British nationals.

Hindi naman naging malinaw ang dahilan ng mga Chinese officials para harangin ang pag-alis ng naturang sasakyang panghimpapawid.

Isasailalim ang mga ito sa 14 days quarantine sa isang pasilidad sa National Health Service.