Isang sasakyang panghimpapawid na may sakay na 72 katao ang bumagsak sa Nepal, ayon sa ulat ng Yeti Airlines at isang lokal na opisyal.
Sinabi ng tagapagsalita ng airline na si Sudarshan Bartaula na mayroong 68 na mga pasahero at apat na crew ang nasa loob ng eroplano.
Aniya, bumagsak ang eroplano sa pagitan ng luma at bagong paliparan ng Pokhara sa gitnang Nepal.
Ang eroplano ay nagaliliyab umano at sinusubukan na ng mga awtoridad na apulahin ang naturang apoy.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang rescue operation at hindi pa matukoy kung may mga nakaligtas sa nasabing insidente.
Kung matatandaan, ang air industry ng Nepal ay umunlad sa mga nakaraang taon na nagdadala ng mga kalakal at tao sa pagitan ng mga lugar na mahirap maabot pati na rin ang mga dayuhang trekker at climber.
Ipinagbawal ng European Union ang lahat ng Nepali carrier mula sa airspace nito dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan.