Patuloy na tinutuntun ng mga otoridad ang kinaroroonan ng eroplano na lulan ni Vice-President Saulos Chilima ng Malawi at siyam na iba pa matapos na ito ay iniulat na nawawala.
Ayon sa Malawi Defense Force, na bigla na lamang nawala sa kanilang radar ang nasabing eroplano.
Galing ito sa Lilongwe ang capital ng bansa at nakatakdang lumapag sana sa Mzuzu International Airport ng maiulat na nawawala.
Naglunsad na sila ng search and rescue operation sa kinaroroonan ng nasabing eroplano.
Matapos ang naiulat na balita ay kinansela na rin ni Malawian President Lazarus Chakwera ang kaniyang biyahe patungong Bahamas.
Noong 2022 ay inaresto si Dr. Chilima dahil sa kasong pagtanggap umano ng pera kapalit ang pag-award nito ng kontrata ng gobyerno subalit noong nakaraang buwan ay ibinasura ang kaso.
Bago naging vice president ng bansa ang 51-anyos na si Chilima ay humawak ito ng mga mataas na puwesto sa multinational companies gaya ng Unilever at Coca Cola.