-- Advertisements --
ERAM
Poy Erram/ FB image

Nakahinga nang maluwag ngayon si Poy Erram matapos na hindi naman gaano katindi ang kaniyang natamong injury.

Lumabas kasi sa resulta ng MRI sa kaniyang tuhod na wala itong gaanong pinsala.

Natamo nito ang injury sa isinagawang ensayo ng Gilas Pilipinas.

Wala na raw itong gaanong inaalala dahil nagkaroon din ito ng dalawang arterior cruciate ligament (ACL) injuries noong nasa Ateneo pa lamang siya.

Pinayuhan siya ng mga doktor na kailangan lamang nitong palakasin ang injured knee para makabalik sa paglalaro.

Magugunitang hindi napasama sa Final 12 ng Gilas line up si Erram dahil sa injury.