Ipinagyabang ngayon ni Errol Spence na kapag natalo niya si Manny Pacquiao sa kanilang showdown sa Agosto 22, kikilalanin siya ng buong mundo bilang best fighter.
Ayon kay Spence, ipapakita niya sa lahat na siyang ang pinaka-the best na 147 pounder sa kanyang dibisyon.
Ang 31-anyos na si Spence mula sa Texas, USA ay wala pang talo at hawak ang WBC at IBF crown.
Kinikilala rin siya bilang isa ngayon sa world’s best pound-for-pound fighters, at kapag natalo pa niya ang Pinoy ring legend ay lalo raw aangat ang kanyang pangalan at babango ng husto.
Ayon naman sa mga observer kapag tinalo naman ni Pacman ang mas bata at unbeaten na si Spence ay lalo siya mahahanay daw sa mga boxing greats nay sa buong mundo.
Buwelta naman ni Spence, maaring siya na nga ang huling magiging kalaban ni Pacquiao dahil sa pagkatapos daw ng bakbakan nila ay magreretiro na ang pambansang kamao.