-- Advertisements --
Errol Spence
Errol Spence/ IG post

Nakalabas na rin sa ospital ang welterweight boxing champion na si Errol Spence Jr.

Gayunman agad siyang sinalubong ng kasong drunken driving may kinalaman sa pagbangga niya noong nakaraang linggo habang nagmamaneho ng kanyang Ferarri.

Ayon sa pulisya nangyari ang insidente bago ang alas-3:00 ng madaling araw noong Oktubre 11.

Sinasabing tinawid ni Spence ang kabilang lane ng karsada hnggang sa bumangga sa pasalubong na sasakyan.

Sa lakas daw ng impact tumilapon palabas ng kotse si Spence.

Noong nakaraang buwan lamang ang dating US Olympian ay nasungkit ang WBC welterweight title upang idagdag sa kanyang IBF crown matapos talunin sa split-decision si Shawn Porter.