-- Advertisements --

Nagpakitang gilas ngayon sa harap ng international media si WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr., kaugnay ng kanyang media workout, ilang linggo bago ang big fight kontra kay WBA welterweight world champion Yordenis Ugas.

Gagawin ang malaking unification fight sa darating na April 17 (April 16 US time) sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

Nais daw ipakita ni Spence na wala ng epekto sa kanyang katawan at pag-iisip ang nangyaring car accident na kinasangkutan noong taong 2019.

Sinasabing makasaysayan ang magaganap na banggaan nina Spence at Ugas dahil ito ang pang-12 unification fight sa welterweight division.

errol spence jr

Ang promoter ng naturang event ay nasa ilalim ng Showtime PPV at Premier Boxing Champions.

Kung maalala naging classic ang mga unification matchups sa naturang dibisyon ng mga boxing legends na sina “Sugar” Ray Leonard versus Thomas Hearns at ang showdown nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao.

Si Spence ay makakalaban sana ni Pacquiao noong nakaraang taon pero umatras dahil sa operasyon sa mata, habang si Ugas naman ang nagpa-retire sa pambansang kamao.