-- Advertisements --

Tinawanan lamang ni Erwan Heussaff ang kumalat na usapin na hiwalay na sila ng asawang si Anne Curtis.

Kumalat ang nasabing fake news matapos na makita ng mga fans ng dalawa na walang suot ni Erwan ang wedding ring.

Napansin rin ng mga fans ang ibang mga post ni Anne na hindi na kasama ang asawa.

Nitong Hunyo lamang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-14 wedding anibersaryo.

Ikinasal ang dalawa sa New Zealand noong 2017 at isinilang ang panganay nila noong Marso 2020 sa Australia.