-- Advertisements --

Kinuwestion ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang motibo sa likod ng panawagan ni dating SSS chief Rolando Macasaet na suspendihin ang naitakdang pagtaas ng SSS contribution rates.

Sinabi ni Bersamin ang nasabing panawagan ay nagsimula sa isang kandidato.

Bumaba sa pwesto si Macasaet nuong nakaraang taon para tumakbo ng congressional seat sa ilalim ng SSS-GSIS Pensyonado party-list.

Kumbinsido rin ang Palasyo na napag- aralang mabuti ang ipatutupad na increase sa kontribusyon ng SSS.

Sinabi ni Bersamin, ang ganitong mga pagtataas ay may pinagbabasehan kayat mahirap sa kabilang Banda na Sabihin na Lang na huwag magtaas.

Mas maigi ayon Kay Bersamin na pabayaan muna ang management o pamunuan ng SSS na ikasa ang implementasyon ng dagdag kontribusyon sa pagbabayad ng SSS.

Dagdag ni Bersamin na kung panghihimasukan nila ang SSS na nakakaunawa at may kakayahan sa pagpapatupad ng nasabing hakbang ay hindi magiging epektibo ang nilalayon ng additional contribution.

Sabi pa ni Bersamin na mas maigi hayaang gumulong ang proseso at hintayin ang resulta sa projection ng ahensiya.