-- Advertisements --

Tiniyak ni Executive Secretary Lucas Bersamin na masusing binusisi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang 2025 General Appropriations Act (GAA) bago ito nilagdaan ng PAngulo ngayong araw.

Ayon kay Bersamin, very focused at maingat ang Pangulo sa paggawa ng desisyon hinggil sa pambansang pondo.

“Mabusisi si Presidente mula sa umpisa. I can give you that assurance that the President is very focused, very prudent — Ilocano, eh,” pahayag ni Bersamin.

Dagdag pa ni Bersamin ang naging motibasyon ng Pangulo para busisiin ang pambansang pondo ay dahil sa kakulangan ng source of funds ng gobyerno.

Kaya nararapat lamang na mapunta sa mga karapat-dapat na proyekto at programa ang pondo ng bayan.

Kumpiyansa naman si Bersamin sa naging desisyon ng Pangulo kaugnay sa pambansang pondo.

Ayon kay Bersamin para sa pagkaka-alam ng publiko, araw at gabi nagta trabaho ang Pangulong Marcos.