-- Advertisements --
Menardo Guevarra

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang escort servicing scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Partikular ang sinasabing pag-escort sa paliparan sa ilang illegal Chinese workers.

Ayon kay Guevarra, inatasan niya ang NBI na magsagawa ng fact-finding investigation sa mga tauhan ng gobyerno na nasa likod ng “escort facilitation services for a fee” at sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso kapag may nakitang basehan.

Nais ni Guevarra na palawakin pa ng NBI ang imbestigasyon sa human trafficking syndicates na kumukilos sa NAIA terminals.

Sinasabing P10,000 ang binabayaran ng bawat Chinese na dumadating sa NAIA para makapasok sa bansa at iligal na magtrabaho sa Pilipinas.