Ipinagtanggol ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pangangailangang imbestigahan ng Senado kaugnay sa paglobo ng gastos sa ipinapatayong Bagong Gusali ng Senado kasunod ng mainit na palitan ng maaanghang na pahayag nina Senators Nancy Binay at Alan Peter Cayetano sa pagdinig.
Sinabi ni Escudero na ang pagkasa ng pagdinig ng Senate Committee on Accounts ay dahil sa kabiguan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipaliwanag ang mataas gastos sa konstruksiyon.
Nanindigan liderato ng Senado na ang proyekto sa Taguig ay nagkakahalaga ng P23.3 Billion kabilang ang P1.6 Billion na halaga ng lupang kinatatayuan at ang P10 Billion Phase 3 na hindi pa nabi-bid.
Samantala, sinabi pa ni Escudero na ang tunggalian sa pagitan ni Binay at Cayetano ay dala lamang ng emosyon.
gayunpaman, pinag-aaralan pa ni binay ang posibleng paghahain ng reklamo sa Ethics Committee na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino laban kay Cayetano sa naging asal nito sa kanya sa pagdinig.
Tutugunan naman ni Tolentino, bilang bagong namumuno sa committee on ethics sakaling i-refer sa kanya ang ihahaing complaint.