-- Advertisements --

Itinanggi ni Senate President Chiz Escudero na ang usapin na mayroong balak ang mga kapwa niya senador para siya ay patalsikin.

Sinabi nito na ayaw na niyang patulan pa ang nasabing usapin.

Dagdag pa nito na mayroong magandang samahan ang mga senador kaya walang dahilan para siya ay patalsikin.

Lumabas ang usapin na isinusulong umano nina Senator Cynthia Villar at Senator Loren Legarda ang usapin.

Subalit itinanggi ni Villar na siya ang nasa likod ng usapin at sinabing boto ito sa pamumuno ni Escudero bilang Senate President.

Maging si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ay itinanggi ang usapin kung saan hindi dapat guluhin ang pamumuhay ng mga senador.

Mariing itinanggi rin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na siya ang nagsusulong kudeta kay Escudero subalit kinumpirma niya na may ilang nakarinig sa nasabing mga usapin ng pagpapatalsik kay Escudero.