-- Advertisements --

Kinondena ni Senate President Sen. Chiz Escudero na mayroon umanong bangayan at girian sa pagitan ni Vice President Sara Duterte at President Bongbong Marcos.

Aniya, ito ay “one sided” lamang kung saan si VP Sara lamang ang nagsasalita laban sa pangulo ng bansa.

Dagdag pa ang opisyal, kahit kailan ay hindi naman ito sinagot ng Pangulo kaya hindi maituturing na isang bangayan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng dalawang pinakamatataas na opisyal ng Pilipinas.

Wala rin aniyang naidududlot o epekto ang mga pahayag na ito ng Pangalawang Pangulo sa ekonomiya, stabilidad at seguridad ng Pilipinas.

Samantala, kung mayroon man daw na epekto ang mga ito ay direktang tatama umano ito sa kanilang opisina sa Office of the Vice President. (report by Bombo Bea)