-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi magdaraos ng impeachment trial o paglilitis kay Vice President Sara Duterte habang naka-break ang sesyon ng Kongreso. 

Sa pulong balitaan, sinabi ni Escudero na kinakailangan ang plenaryo ng Senado para masimulan ang impeachment court. 

Kahapon, nag-adjourn na ang session ng Senado upang magbigay daan sa papalapit na campaign period para sa 2025 national and local elections. 

Isinumite rin kahapon ni House Secretary General Reginald Velasco kay Senate Secretary General Renato Bantug ang article of impeachment laban kay VP Sara kung saan 215 miyembro ng House of Representatives ang pumabor na patalsikin ang bise dahil umano sa paglabag sa saligang batas, pagtataksil sa tiwala ng bayan, katiwalaan at iba pang krimen. 

Magbabalik ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2.