-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang babala ni Vice President Sara Duterte sa kanyang ama na mamamatay ito katulad ng kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kung ipipilit niyang bumalik sa Pilipinas.

Sinabi kasi ni VP Sara sa kanyang talumpati sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands na paulit-ulit raw siyang tinatanong ng kanyang ama kung kailan siya makauuwi, dahil nais nitong mangampanya bilang alkalde ng Davao City.

Inihayag ng bise presidente na papatayin umano ang dating pangulo tulad ni Aquino kung babalik ito sa Maynila.

Sa pulong balitaan sa Senado, kinwestiyon ni Escudero na papaano raw na binalaan ni VP Sara ang kanyang ama na kapag bumalik ng bansa ay mamamatay ito katulad kay Ninoy gayong siya na raw nagsabi na hindi na makababalik pa ang dating pangulo. 

“I don’t want to comment to any speculations dahil ‘yong pagbabalik pa lang malaking kuwestyon na ‘yon dahil sinabi niya rin sa parehong interview hindi ba? Na hindi na makakabalik tapos biglang babalaan niya na kung bumalik, ayokong mag komentaryo sa nagbabaliktarang mga opinyon kaugnay sa bagay na ‘yan. Hintayin ko na lamang kung talagang magaganap ‘yan,” ani Escudero.

“In short, how can she say that she warned her dad that if he comes back this might happen when she herself is saying that he will not be able to come back anymore,” dagdag ng senador.

Nahaharap si Duterte sa mga kasong crimes against humanity sa ICC para sa kanyang madugong war on drugs, na nagsimula noong 2016 na ikinasawi ng libu-libong inidibidwal. 

Binuksan ng ICC ang preliminary examination sa kampanya laban sa droga noong 2018 ni Duterte at kalaunan ay nag-wothdraw ang bansa sa Rome Statute noong 2019.