-- Advertisements --

Kumpiyansa si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaapektuhan ang trabaho ng Senado kahit abala ang ilang senador sa kanilang kandidatura para sa 2025 midterm elections. 

Mayroong pitong mga senador ang muling tatakbo sa pagkasenador sa papalapit na halalan sa susunod na taon. 

Kabilang dito sina Senators Pia Cayetano; Lito Lapid; Francis Tolentino; Imee Marcos; Ramon “Bong” Revilla Jr.; Christopher “Bong” Go; Ronald “Bato” dela Rosa. 

Tiwala si Escudero na gagampanan ng pitong reelectionist ang kanilang trabaho sa Senado kahit na busy sa kanilang kandidatura. 

Ayaw din naman nila aniya na mapulaan ng iba kaya’t naniniwala ang liderato ng Senado na hindi nila pababayaan ang kanilang tnugkulin sa Senado. 

Nang matanong kung sino ang ie-endorso sa pitong reelectionist ng mga senador, aniya, wala naman siyang impluwensya sa partido at hindi naman siya ang pangulo ngunit tutulong raw siya sa abot ng kanyang makakaya.