-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang detailed architectural and engineering design (DAED) ng itinatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City. 

Sa pulong balitaan, sinabi ni Escudero na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng detailed architectural and engineering design ang gusali mula nang simulan ang konstruksyon nito noong 2019.

Ayon kay Escudero, magkakaroon ng ceremonial signing sa mga stakeholder at inspeksyon sa bagong gusali ng Senado sa susunod na linggo.  

Dagdag ng senador, hindi pa kakayanin na lumipat sa New Senate Building ngayong taon.